Miyerkules, Agosto 6, 2008

KUNG BAKIT TAHIMIK ANG MGA MAKA-KALIKASAN SA ISYU NG PAGDAMI NG POPULASYON

Bakit nga ba tahimik ang mga maka-kalikasan (environmentalists) sa isyu ng paglobo ng populasyon? Hindi ba na isa sa mga dahilan ng pagkasira ng ating kalikasan ay sanhi ng walang pakundangang pag-gamit ng tao? Kaya nga sa pagdami ng gumagamit nito ay lumalala ang kundisyon ng kalikasan. Halimbawa na lamang ay ang mga nangyayari sa mga pamayanan sa baybayin na kung saan lumalaki ang bilang ng mga taong nakikinabang sa likas yamang dagat. Subalit sa pagdami ng mga tao sa mga pamayanang ito ay kaakibat ang pag-igting ng kumpetisyon sa pag-gamit ng pangisdaan. Kaya sa huli, dumarami ang bilang ng mga mangingisda at mga umaasa sa pangisdaan samantalang ang ekosistema ay nananatiling malubha ang karamdaman. Dagdag pa dito, ang mga bakawanan ay patuloy na nasisira sanhi ng pangangailangan sa pabahay at palupa para sa mga mangingisda sampu ng mga kaanak nito. Sa kalunsuran naman, hindi na tayo nagugulat sa tambak tambak na basura sa ating kapaligiran. Nakailang beses na ring nanawagan ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Rizal na hindi na nito kayang kunin ang basura sa Maynila dahil mapupuno na ang tambakan ng basura sa kanila. Normal na rin ang mga basurang nakalutang ss mga estero at ilog. Normal na rin makalanghap ng usok na dala ng mga pabrika at sasakyan. Normal na rin ang mga nagsisiksikang bahay magin man sa Makati, kung saan hindi mo inaakalang mayroon pa ring mga dikit dikit na barong-barong, naliligo sa kalye, nag-iinuman, namamalimos…

Nasaan na ang mga environmentalists sa usapang may kinalaman sa pagdami ng populasyon? Natatakot nga ba sila sa parusa ng Simbahan? Na baka dumating ang panahon ay hindi na sila makapagkomunyon o makapagpakasal sa simbahang nais nila? Nasaan ang ang environmentalists habang pinag-uusapan ang isa sa mga kritikal na usapin na nagpapalala sa kundisyon ng ating kalikasan? Magparamdam naman sana sila…

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Saan sa tingin mo ang iisipin o magiging issue at gagawing pagpapel ng isang makakalikasan sa pagdami ng populasyon....ang isang makakalikasan ay ultimo buhay ng hayop sa ating kagubatan ay binibigyan ng halaga...tao pa kayang katulad niya....alalahanin mo na ang tao ay isang likas din na bagay na ginawa ng ating "Diyos"...kaya kung ang isang makakalikasan ay tunay ang kanyang pananalig at pananampalataya sa ating Diyos ay hindi siya makikialam diyan dahil yan ay sadyang gawa ng ating Diyos....



At isipin mo din na ang isang tunay na makakalikasan ay walang dapat dalahing relihiyon...katulad ko na isang katoliko ay hindi ko kailaman dapat ibanduria na ako ay katoliko dahil tiyak na ang ibang relihiyon ay hindi maniniwala sa akin...sa iyong pananalita ay tinukoy mo na kaagad na ang isang makakalikasan ay katoliko....tandaan mo ito kaibigan...ang ipinakakalat na mga sermon ay puro pananakot na baka hindi ka maliligtas kung hindi ka aanib sa kanila.....ganyan ang relihiyon...sa pagiging makakalikasan ang laging sinasabi....kung hindi tayo magkakatulong-tulong...kahit na anong relihiyon, kahit na anong kalagayan sa buhay...ay hindi tayo makakaligtas sa galit ng Diyos at kalikasan....